Malugod namin kayong tinatanggap sa multilingual access page ng Dufferin-Peel Catholic District School Board.
Ang mga Katolikong paaralan ng Dufferin-Peel ay bahagi ng sistema ng paaralan na pinopondohan ng publiko sa Ontario. Mayroon kaming tradisyon ng kahusayan tungo sa ikatatagumpay, sa pagsasakatuparan at sa kapakanan ng mga mag-aaral na isa sa mga pinakamagaling sa lalawigan. Kami ay nakatuon sa pag-immerse sa mga mag-aaral sa kultura ng kahusayan na ito habang patuloy namin silang pinagkakalooban ng mga oportunidad para magtagumpay, maging matapat sa lipunan, punum-puno ng pananampalataya at kapaki-pakinabang na mga kabataang lalaki at babae. Kasabay nito, nauunawaan namin ang kahalagahan ng aktibong pagkikilahok ng mga magulang sa edukasyon ng kanilang mga anak. Nais naming bawasan ang mga hadlang sa mga magulang/mga tagapag-alaga na ang unang wika ay hindi Ingles at upang matulungan sila na direktang makakuha ng mahalagang impormasyon katulad ng kung paano magsagawa ang sistema ng paaralan, kung paano magparehistro sa paaralan, mga kailangan upang maging karapat-dapat, kung paano makahihingi ng tulong para sa mga takdang aralin, gayun din ang ibang impormasyon na nais malaman ng mga magulang.
Ang ilan sa mga link sa ibaba ay patungo sa panlabas na mga website (hindi sa Dufferin-Peel) na naglalaman ng mga impormasyon sa iba’t-ibang wika. Ang ibang link naman ay para sa mga webpage sa wikang Ingles at mga dokumento. Ang mga magulang/mga tagapag-alaga ay hinihikayat naming na maghanap ng mga material na nakasalin sa sarili nilang wika hangga’t maari. Kung mangailangan ng karagdagang tulong, pakitawagan kami sa 905-890-1221 at susubukan namin kayong tulungan.
Alamin kung sino ang karapat-dapat na pumasok sa mga paaralang Katoliko, kung saan matatagpuan ang inyong lokal paaralang Katoliko at kung paano magparehistro sa paaralan. Ang pahinang ito ay naglalaman ng impormasyon sa iba’t-ibang wika. Para sa karagdagang mga impormasyon tungkol sa admisyon at mga kailangan, pakitawagan ang aming Departamento ng Admisyon (Admission Department) sa 905-890-0708 ekstensyon 24512 o 24519 o 24511.
Pag-aralan ang tungkol sa kasaysayan ng Edukasyong Katoliko sa Ontario at ang kurikulum ng paaralang Katoliko.
Ang Dufferin-Peel ay isa sa pinakamalaki at pinakamabilis na lumalaki pa na school board sa Ontario. Ito ay nagsisilbi sa humigit-kumulang na 85,000 na mga mag-aaral sa 149 na mga paaralan sa buong Mississauga, Brampton, Bolton, Caledon, Orangeville at Dufferin County. Ang direktoryo ng paaralan ay kinabibilangan ng mga impormasyon ng malalapitan at mga mapa para sa bawa’t pasilidad ng aming paaralan.
Ang website ng Transportasyon para sa Mag-aaral ng Rehiyon ng Peel [Student Transportation of Peel Region (STOPR)] ay nagkakaloob ng nasa panahong mga impormasyon tungkol sa mga polisa ng transportasyon, pagiging karapat-dapat, mga patakaran, mga pormularyo at mga katanungang madalas itanong. Ang website na ito ay naglalaman din ng mga impormasyon tungkol sa naantalang mga bus at kanseladong mga bus dahilan sa masamang panahon.
Ang aming school year ay nagsisimula sa Setyembre at nagtatapos sa Hunyo. Ang aming kalendaryo ng taon ng pag-aaral ay nagsasaad ng mga petsa ng simula at pagtatapos, gayun din ang mga araw na walang pasok ang iskwela (School Holidays) at mga Araw ng Gawaing Pang-propesyonal (Professional Activity Days).
Ang Newcomer Reception and Assessment Centres ay nagkakaloob sa mga pamilya at mga mag-aaral ng isang malugod na pagtanggap at pambungad na suporta tungkol sa sistemang pampaaralan ng Ontario. Sa pamamagitan ng isang malinaw na kinilalang proseso ng unang pagtatasa, ang mga abilidad ng mga mag-aaral, mga talento at mga interest ay napag-alaman at naibahagi, upang makayanan ang isang maayos na pagpasok sa komunidad ng paaralan. Ang mga impormasyon tungkol sa aming mga Newcomer Centres ay nakalaan sa iba’t-ibang wika. Para sa karagdagang mga impormasyon, tumawag sa 905-361-2344.
Kami ay naniniwala na ang mga magulang/mga tagapag-alaga ang pangunahing mga guro ng kanilang (mga) anak. Ang layunin namin ay ang bigyan ng wastong edukasyon ang bawa’t bata at ang higitan ang mga maisasakatuparan at kapakanan ng mag-aaral. Kami ay patuloy na magkakaloob na mga mapagkukunang tulong mula sa sangguniang pampaaralan at ang mga website ng aming indibidwal na paaralan upang matulungan ang mga magulang/mga tagapag-alaga na maging higit na maalam at upang makisali ng husto sa edukasyon ng kanilang anak.